Berso sa Metro

Berso sa Metro

May-akda:

Ang “Berso sa Metro” ay isang programang inilunsad ng Instituto Cervantes mula noong taong 2007 para mas mapabuti ang pang-araw-araw na komyut sa LRT sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga teksto mula sa iba’t ibang tula para mabasa ng mga tao.

Ang mga tulang ito ay orihinal sa wikang Kastila (kaliwa) pero isinalin sa Tagalog (kanan) para maintindihan ng mambabasa.

A Manila, ni Pacifico Victoriano

¡Oh, Manila, en la corola
de un casto lirio nacida!
¡gentil princesa normida
sobre es puma del mar!
Oh, Maynila, sa talulot
ng mahinhing liryo isinilang!
Mabunying prinsesang nahihimlay
sa bula ng karagatan

Sevilla, ni Antonio Machado

Todo pasa y todo queda,
pero lo nuestro es pasar,
pasar haciendo caminos,
caminos sobre la mar.
Lahat ay dadaan at lahat ay maiiwan,
pero tayo ay dadaan,
dadaang gumagawa ng mga daanan,
daanan sa ibabaw ng karagatan.

Reglas del juego para los hombres que quieran amar a mujeres, ni Gioconda Belli

Isinaling titulo: Panuntunan ng laro para sa mga lalaking iibig sa mga babaeng-babae

El hombre que me ame
deberá descorrer las cortinas de la piel,
encontrar la profundidad de mis ojos
y conocer la que anida en mí, la golondrina transparente de la ternura.

El hombre que me ame
no querrá poseerme como una mercancía
ni exhibirme como un trofeo de caza,
sabrá estar a mi lado
con el mismo amor
con que yo estaré al lado suyo.

Ang lalaking iibig sa aki’y
dapat marunong humaplos sa kurtina ng balat,
makita ang pangkaraniwan kong mata
at makilala yaong namumugad sa akin,
ang transparenteng maya ng paglalambing.

Ang lalaking iibig sa aki’y
di ako iibigin bilang isang kalakal
o kaya’y ipagyayabang na parang tropeo,
mananatili sa aking piling
taglay ang pag-ibig kong
nadarama kapag siya’y kapiling.

Varios efectos del amor, ni Lope de Vega

Desmayarse, atreverse, estar furioso,
Áspero, tierno, liberal, esquivo,
Alentado, mortal, difunto, vivo,
Leal, traidor, cobarde y animoso;

no hallar fuera del bien centro y reposo,
mostrarse alegre, triste, humilde, altivo,
enojado, valiente, fugitivo,
satisfecho, ofendido, receloso;

huir el rostro al claro desengaño,
beber veneno por licor süave,
olvidar el provecho, amar el daño;

creer que un cielo en un infierno cabe,
dar la vida y el alma a un desengaño:
esto es amor: quien lo probó lo sabe.

Nanghihina, mapangahas, nanggagalaiti,
bastos, malambing, mapagbigay, mailap,
matatag ang loob, mortal, patay, buhay,
matapat, traydor, duwag at masigla;

Nababalisa sa gitna ng kapayapaan,
mukhang masaya, malungkot, mapagpakumbaba, mapagmataas,
nagagalit, matapang, umiiwas
kuntento, nasasaktan, mapaghinala;

bulag sa katotohanan,
ang lason sa kanya’y matamis na alak,
’Di pansin ang kasaganahan, natutuwa kapag nasasaktan;

Nasa impiyerno na’y para pa ring nasa langit,
iaalay ang kaluluwa’t buhay kahit nililinlang:
iyan ang pag-ibig: sinumang nakaranas, iya’y alam.

Al perderte ni Ernesto Cardenal

Al perderte yo a ti, tú y yo hemos perdido:
Yo, porque tú eras lo que yo más amaba,
y tú, porque yo era el que te amaba más.
Pero de nosotros dos, tú pierdes más que yo:
porque yo pordré amar a otras como te amaba a ti,
pero a ti nadie te amará como te amaba yo.
Nang mawala ka sa akin, ikaw at ako’y nawalan:
ako dahil ikaw ang minahal ko nang lubusan
at ikaw dahil ako sa iyo’y lubusang nagmahal.
Ngunit sa dalawa ay ikaw ang higit na nawalan:
Dahil pwede kong mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ko sa iyo
nguni’t ika’y ‘di mamahalin tulad nang kung paano kita minahal.

Ciudad, ni Ángel González

Y de pronto, no estás. Adiós, amor, adiós.
Ya te marchaste.
Nada queda de ti. La ciudad gira:
molino en el que todo se deshace.
At bigla kang nawala. Paalam, pag-ibig, paalam.
Nakaalis ka na.
Walang iniwang bakas. Umiikot ang siyudad:
parang gilingan na dinudurog ang lahat.

Tu risa, ni Pablo Neruda

Ríete de la noche,
del día, de la luna,
ríete de las calles
torcidas de la isla,
ríete de este torpe
muchacho que te quiere,
pero cuando yo abro
los ojos y los cierro,
cuando mis pasos van,
cuando vuelven mis pasos,
niégame el pan, el aire,
la luz, la primavera,
pero tu risa nunca
porque me moriría.
Pagtawanan mo ang gabi,
ang araw, ang buwan,
pagtawanan mo ang mga liku-likong
landas sa isla,
pagtawanan mo ang torpeng
lalaking ito na nagmamahal sa iyo,
nguni’t kapag bubuksan ko
at isasara ang aking mga mata,
kapag ako ay umalis,
kapag ako ay muling bumalik
ipagkait mo na sa akin ang tinapay,
ang hangin, ang liwanag at ang tagsibol,
huwag lamang ang iyong ngiti
dahil ito’y aking ikasasawi

Pericoloso, ni Gonzalo Rojas

Qué rápida la calle vista de golpe, los espejos de los autos
multiplicados por el sol, qué sucio
el aire:
¿y esto
era el Mundo?
Sa isang sulyap, kay tulin ng lansangan, ang mga salamin ng mga sasakya’y
pinararami ng araw, kayrumi
ng hangin:
at ito
na ba ang mundo?

Señorita provinciana, ni Jesús Balmori

Tu lectura es Abelardo y Eloísa
tu perfume favorito, el de azahares,
y nimbada de ilusorias maravillas,
en la iglesia, cuando acudes a misa,
en lugar de ver a Dios en los altares,
a tu lado ves un novio de rodillas.
Ang binabasa mo’y Abelardo at Eloisa,
paboritong pabango’y sa asahar gawa,
at balot ng kislap ng madayang kababalaghan
sa simbahan, habang nakikinig ng misa,
imbes na Diyos sa altar ang nakikita,
katabing nobyong nakaluhod ay siyang minamasdan.

Si el hombre pudiera decir, ni Luis Cernuda

Tú justificas mi existencia;
Si no te conozco, no he vivido;
Si muero sin conocerte, no muero, porque no he vivido
Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandirito;
Kung di kita nakilala, di sana ako nabuhay;
Kung ako’y mamamatay, nang di kita nakilala,
Hindi ako mamamatay, dahil hindi ako nabuhay